Cesar Gayo | Mr. Fries & Sundae THE BLOGGER KWENTO MIDNIGHT THOUGHTS LITRATO
Home MESSAGE THE BLOGGER KWENTO MIDNIGHT THOUGHTS LITRATO
"I just hope you miss me too."
Posted: August 15, 2014
Currently With 62 notes
"Harot harot lang muna tayo ha? ‘Di pa ako ready sa commitment eh."
Posted: August 15, 2014
Currently With 54 notes
"Yan ka na naman. Nag-aassume ka na naman na gusto ka rin niya."
Posted: August 12, 2014
Currently With 119 notes
"Kung sino pa kasi yung mababait, sila pa yung naloloko madalas."
Posted: August 10, 2014
Currently With 53 notes

Yung date na simple lang. Yung tipong hindi ganoon kaganda pero napakaromantik ng dating. Yung tipong unang araw pa lang kayo magkikita, eh magiging kayo na. Yung mga ganung effect lang sa buhay. Nakaka-excite diba? Saang lugar ba pwedeng magdate?

  • Sa bubong - sympre hihintayin niyo muna maggabi. Mainit kaya sa bubong kapag umaga o kaya naman tanghaling tapat. Basta yung tipong mga bandang alas-dyes na ng gabi. Para naman super labas na talaga ng mga stars. Oh dba? ume-emote kayo sa bubungan. Sympre mag-iistar gazing kayo. Bilang bilang ng mga stars at higit sa lahat, hintayin niyo mag 11:11 para makapagwish na rin kayo. Sweet diba?
  • Sa ilalim ng puno - ito naman yung mga effect na nahuhulog yung mga dahon tapos nandun lang kayo nakaupo sa may damuhan. Magdala ka na rin ng gitara para naman mas romantic ang dating. Kantahan niyo ang bawat isa ng mga love songs. Tapos dala na rin kayo ng pagkain para deretso picnic na. Magbaon na rin kayo ng mga jokes at pick up lines para naman mas nakakakilig.
  • Sa dalampasigan - ito yung lugar talagang masarap magrelax. Nakakagaan ng isipan. Ito yung tipong nakatayo kayo sa may buhanginan, sinasalubong yung paghampas ng alon sa mga paa niyo. Sana lang walang kasamang mga dikya kundi nako fail ang date niyo. At saka, para mas exciting, kuha kayo bato at magpalayuan ng paghagis nito sa dagat at kung sino ang mas malayo sya ang ikikiss. Oh dba? Para-paraan lang yan.
  • Sa street food - ito naman yung place kung saan magba-bonding naman kayo with foods —  fishball, kwek-kwek, banana que, palamig, turon at marami pang iba. Masaya yung ganito lang, simpleng date lang. Akala kasi ng iba kapag sa ganitong place nagde-date eh cheap tignan, as long as masaya naman kayo, why not dba? Saka para maiba rin naman. Pabilisan na lang kayong kumain ng kikiam, ang mahuli siya ang magbabayad ng mga kinain niyo. Oh san ka pa diba.
  • Sa moon - ito talaga ang pinakaromantik na lugar. Kung posible lang pumunta dito, malamang marami na ang pupunta. Bukod sa tahimik eh malayo pa kayong dalawa sa magulong lugar sa Earth. Malayo sa problema, malayo sa mga taong nagpapalungkot sa inyo. Yung tipong kayong dalawa lang nandun, makakapag-isip talaga kayo nang mabuti at makakapag-usap sa mga bagay na dapat pag-usapan. Pero dapat magdala kayo ng maraming oxygen, kundi alam na. Kung mawalan man kayo ng hininga at least magkasama kayong namatay. Hanep, umaabot ang date sa heaven. Nakanaks!
mrfriesandsundae
Posted: August 08, 2014
Currently With 162 notes

Kanina habang naliligo ako, tumingin ako sa salamin, tinatanong ang sarili ko, “Naka-move on na ba ako?” Oh diba? Ang drama ko kanina. May kasama pa yang tabo na may tubig na nakalagay sa ulo ko para naman habang nag-e-emote ako, unti-unting tumutulo yung tubig. Pero ang totoo talagang dahilan nang pagdadrama ko ay ang buhok ko sa ulo. Mahaba na kasi gusto ko nang pabawasan. Kaya tinapos ko na agad yung pagligo ko at nagbihis na.

Fast forward na natin ah? Edi ito na, nasa jeep nako. Habang nangangalkal ako ng mga pictures ko sa album na pwede kong iinstagram mamaya pag-uwi ko, eh napapunta ako sa inbox ko. *scroll *scroll *insert pangalan ni Ex here. Binuksan ko to, actually meron kaming almost 1600 na texts sa conversation namin. *scroll up *scroll up. Sinimulan ko sa pinakauna naming texts. “Hi.” Yan yung unang text niya. Pagkatapos nyan, nasa getting-to-know-level na kami. Hanggang sa naglalandian na. Mga ganong style ba. Hoho. Ang sweet pala namin dati. Halos puro pagpapakilig pala yung ginagawa namin. Expert siya dyan eh. Kaya siguro ito ngayon, sa ibang tao na siya nagpapakilig. Habang binabasa ko yung unang parte, ngiti lang ako nang ngiti. Para nga akong tanga sa Jeep eh, tumitingin sakin yung Ateng nasa harap ko. And I was like, “Weg me ke pekeelemen ete. Nekekeleg telege eke. Hihi.”

*scroll down *scroll down. Habang binabasa ko pababa yung convo namin parang nababawasan na ng sweetness yung mga texts namin. Parang ice cream na patunaw na lang nang patunaw. Dumating na ako dun sa part na nagkakalabuan na. May mga tao nang involved. Naks. Tumi-third party kami! Nagsusungit na siya tapos ako rin. Punong-puno na ng bitterness ang mundo ng cellphone ko. Hindi ko na binasa lahat, nag-scroll down na lang ako ng sobrang bilis with matching inhale exhale pa na sobrang lakas. Nandun na ako sa reply ko sa kanyang."Bye." Odba? Sa hinaba-haba ng mga usapan namin, nagsimula sa simpleng "Hi." nauwi sa "Bye."

Pero dahil nga hindi na ako bitter at lumevel up na to, tinext ko siya kanina. "Good evening :D" Ganyan talaga yung smile ko sa text ko, wala kasi akong emoticon dito sa cellphone ko. Yang pagrereply ko sa kanya ay hindi isang senyales na tumitibok na naman ang mga cells ko sa katawan para lumandi at makipagbalikan, gusto ko lang naman eh i-save yung friendship na nabuo. Oh drama diba. Pero bago ako tuluyang mag-emote, bumaba na ako ng Jeep na hindi nagbabayad. Si Ex kasi eh, nadala tuloy ako. Siguro naman maiintindihan ako ni Manong driver. Adios!

Posted: August 08, 2014
Currently With 42 notes

Hindi ko talaga matanggap na nasagutan ko lahat ng exams ko kanina. Ang galing ko nga eh. Nasagutan ko lahat pero mali-mali naman pala ang sagot. Umaasa na lang ako sa partial points na ibibigay samin.

Nasa Jeep na kami ng mga kaklase ko pauwi. Kwentuhan. As usual, compare compare sa mga sagot namin. Pero ako talaga, di pa rin mawala sa isip ko yung Scandal ni Paolo Videones este yung mga sagot ko sa exam. Feeling ko kasi babagsak ako. Bumaba na kami ng kasama ko sa Jeep at sumakay na sa Cab deretso na pauwi samin. Maliit lang yung Cab. Mga doseng pasahero lang yung makakasakay sa loob. Umulan nga kanina eh at wala kaming payong habang naglalakad kami. Bigla ngang nag slow mo eh habang nababasa ako ng ulan, feeling ko nasa teledrama ako. Nag-eemote sa ulan with background music, "heto ako ohh, basang-basa sa ulannn yeahh."

Bale ito na nga, paisa-isa nang nagsisibabaan yung mga pasahero ng Cab. Mga lima na lang kami sa loob nung malapit na akong bumaba. "KUYA SA SECOND GATE LANG PO." Sabi ko yan kay Manong driver. Yung mga moment na yan, umuulan pa rin ng malakas. Pagkahinto ng Cab, naka-ready na akong bumaba at tumakbo nang mabilis para man lang makasilong. Pagkatayo ko sa upuan, biglang tumayo rin yung kasama ko. Siya yung mauunang makakababa sa amin. Naipon ko na lahat ng stamina ko at adrenaline sa mga kasulok-sulokan ng mga buto ko. Nakababa na si Ateng mataba at ako na ang susunod. Hindi ko pa lang naibababa yung paa ko bigla na lang niya sinara yung pinto with matching effort pa sa sobrang lakas ng pwersa dahil atat rin siyang makatakbo dahil wala rin siyang payong makakasaklob sa pangangatawan niya.

"ARAY! ATE! ARAY!" Yan lang ang nasabi ko. Pero para di mapahiya, nagsmile lang ako ng parang walang nangyaring pangmomolestya. Pero hindi alam ni Ate, niluluto ko na siya sa isip ko at nagpaplanong ilibing siya ng buhay. Naramdaman ko agad na may tumutubo ng bukol sa bunbunan ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay katukin ang baba ko baka sakaling hindi na tumubo yung bukol.

Humanda ka talaga Ateng pinagbagsakan ako ng pinto. Isasakto ko rin sayo. Aabangan kita sa kanto. Magtutuos pa tayo. Ang sakit kaya :( Patayin kita dyan e.

Posted: July 31, 2014
Currently With 34 notes

Naiinis talaga ako kapag nakita na nga ng nanay ko na ako ay natutulog nang mahimbing ay uutusan pa ako na bumili ng mantika. Oo na. Hindi ako natutulog. Pero halata naman siguro sa pagtaklob ko ng kumot sa buong katawan ko at mga unan na nakapalibot sakin. Bumangon na ako. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Dahil kung hindi, baka hilaw na porkchop ang kainin namin.

Lumabas na ako ng bahay. Magulo ang buhok. Walang toothbrush toothbrush. Butas ang short sa gilid dahil nga pangtulog lang ang suot ko.

"Pabili nga po. Mantika. Kalahating bote." Sabi ko sa tinderang busy sa pagpapaganda sa salamin. Kinuha niya yung isang bote at dahan-dahan niyang isinasalin sa kabila. Medyo napapansin kong kumokunsumo na si ate sa oras, sinasayang niya ang oras na dapat ay nasa higaan ako at baka sabihin ng kachat ko sa cellphone ay iniisnob ko siya. Medyo napapatagal kasi si Ate sa pagpapantay sa mantika. Salin dito. Balik ulit dito. Salin dito. *repeats process with matching panaka-nakang silip sa salamin.

"Di talaga yan magpapantay Ate. Okay na po yan." Sa puntong ito, nagsalita na ako. Bukod sa atat na akong makauwi dahil sa itsura ko at dahil sa natatae na ako dahil ang dami kong kinain nung gabing iyon ay alam kong hindi kailanman magpapantay ang mantikang sinasalin niya. Mukha lang siyang pantay pero kung izo-zoom in mo gamit ng microscope at sukatin ang volume gamit ang formula na mass times density ay makikita mong malaki ang pagkakaiba nila. May lalamang at lalamang sa dalawang bote. May magpapaubaya ng parte niya para sa iba at may mag sasakripisyo dahil nakulangan siya. Give and take lang. Walang sumbatan. Walang sisihan.

Kinuha ko na yung mantika at umalis na ako nang bigla sumigaw si ate. "Yung takip nakalimutan mo!"

Posted: July 29, 2014
Currently With 34 notes
"Namimiss mo siya no? Ganyan talaga. Siya rin naman eh, namimiss ka rin."
Posted: July 28, 2014
Currently With 57 notes
  • Hi. I'm still here. You can talk to me. Or maybe I'm just fooling myself again that I have friends here. : (
Posted: July 28, 2014
Currently With 52 notes

Alam ko namang bawal ang mangopya. Pero naniniwala kasi ako sa kasabihang, time is gold. Ano connect? Hindi ko rin alam, basta yan lang ang unang kasibihan na naisip ko.

Ayoko nang pahabahin pa ito, gusto ko lang sabihin na nakita ko ang classmate ko na nangongodigo sa exam namin. Oo  Gusto ko siyang isumbong ngunit nangingibabaw pa rin ang kabutihang loob ko sa kanya. Hindi dahil nilibre niya ako ng extra rice nung lunch at siya ang gumagawa ng mga assignments ko. Sadyang mabait lang talaga ako.

"Calculator at ball pen lang ang nasa lamesa niyo. Yun lang."

Nagsimula na ang exam. Name. Year and Section. Date.

Tuloy lang ako nang tuloy sa pagsagot hanggang sa bigla na lang akong may napansin sa classmate ko sa may harapan. Hawak siya ng hawak sa pwet niya. Hindi ko alam kung anong bulate ang naninirahan sa kanyang tyan at gusto nang makawala sa kanya. Ngunit hindi ko pa rin alam kung anong scientific explanation ang magpapaliwanag na ang paghahawak sa pwet ay isang paraan para makapasa sa exam.

Nakasagot na ako sa Identification, Enumeration, Multiple Choice, True or False, Essay at Problem Solving pero nandun pa rin siya. May kung anong kinukuha sa pwet niya. Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Hindi siya makapakali. Tingin siya ng tingin sa gilid at kay Ma’am. Dahan-dahan niyang nilagay yung kamay niya sa bulsa ng kanyang likod at ipinasok ito. At dahil sa bilis ng pangyayari, bigla niya ito inilabas na parang walang nangyari. Akala ko nga, baka nangamot lang ito pero mali ako ng akala. May maliit na puti siyang nilabas. Hindi ko alam kung ano ito, Basta isa lang ang alam ko. Baka bulate ito na matagal nang napreserved sa kanyang tyan.

Sumilip ako nang mabuti sa puting iyon, nagzoom in ang mga mata ko ng 10 mega pixel. At nakita kong hindi lang siya bulateng napreserved kundi isang maliit na papel. AHA! Isang Kodigo. Mga naglalaman ng orasyon na siya lang ang nakakaintindi.

Pero sa totoo lang hindi ko siya isusumbong kay ma’am dahil mabait ako. At dahil, kahit ako rin naman ay gumagawa ng ganon. In fact, nakalagay na yung kodigo ko sa likod ng Calculator ko, sa may takip. Pero alam mo yung masakit? Pinatanggal ni Ma’am yung takip ng mga Calculator namin. Aba matinde diba?

Ang ikinagagalit ko lang dito ay bakit hindi man lang niya shinare yung kodigo niya. Ang sakit. :((( Diko tuloy nasagutan yung iba. Kala ko ba naman magkaibigan kami, hay.

Posted: July 28, 2014
Currently With 43 notes

Minsan di’ mo namamalayan, tumatanda ka na. Tumatangkad. Lumalapad. Humahaba. Bigla mo na lang sasabihin sa sarili mo, “Hala. Bat ganon, ang bilis ng oras? Diko na nagawa assignments ko. Panay internet kasi ako.” Pero totoo naman eh, ang bilis ng oras. At sa bawat oras, dumadagdag nang dumadagdag yung mga responsibilities mo. Sa pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan, sa panghaharot ng iba, sa pakikipag-away at sa pagmamahal.

Nung isang araw, kumain ako sa Mcdo. Umorder ako ng Fries na tig P105 at isang Coffee float. Ang dami nga ng fries eh pero di sapat para sa mga alaga kong mga bulate sa tyan. Nakaupo ako dun sa may sulok, sa may malapit sa aircon. Ang daming tao. Ang daming nakapila sa counter. Hindi ko namalayan, paubos na pala ang ketsup ko. Para ba naman kasing isang ketsup para sa limang pirasong fries yung ginagawa ko. Ang gastos ko sa ketsup diba. :(

Hinintay kong may makalapit sa aking staff na kumukuha ng order o yung tagalinis ng table para man lang makisuyo para sa pagkuha ng ketsup ko.

Mula sa kinauupuan ko, may nakita akong lalaki, may dala-dalang tray mula dun sa table na kanyang nilinisan. Papunta na siya dun sa trash bin para ilagay na yung tray pero bigla na lang siyang tinawag nung nasa likod niya.

"Kuya, pwede po penge kaming tubig. Tatlo."

"Osige po, wait lang."

Akala ko okay na pero may tumawag ulit sa kanya, “Kuya pahingi pong supot, i-take out ko na lang to. Saka pa-add ako ng order, isang coke float.” Sa time na yun, ang hirap pala ng ginagawa niya. Hindi mo alam kung ano yung unang ipa-prioritize mo. At kung dadagdag ko pa yung paghingi ko ng ketsup eh mas lalong dadami pa ang ipaprioritize nya.

Point ko? Kung kaya mo naman sa sarili mo na gawin ang bagay na hindi na kailangan ng tulong ng iba eh magkusa ka na lang. Sa paraan na yun, hindi lang siya ang natulungan mo kundi ang sarili mo. Kung kaya mong ikaw lang, ikaw lang. Hindi mo na kailangan ng iba.

Ano nga ba ang uunahin kapag maggigisa, bawang o sibuyas?

Posted: July 28, 2014
Currently With 38 notes
Posted: July 23, 2014
Currently With 231 notes
"Hoy! Miss na miss na kita :("
Posted: July 23, 2014
Currently With 67 notes

Sabi nila, ang love daw ay parang una at hulihang pahina ng isang libro. Na kahit gaano man sila kalayo sa isa’t isa ay hindi sila mapaghihiwalay kahit na maraming mga pahina ang nasa pagitan nila.

Ang relasyon ay hindi lang about sa love. Hindi lang ito natatapos sa pagpapakilig niyo sa bawat isa. Na puro ‘Mahal kita’ ang sinasabi. Hindi lang diyan nagtatapos, dahil wala ka pa naman napapatunayan sa mga sinasabi niyo. Marami pang mga bagay dyan ang maaari niyong malaman at matutunan.

LDR. Mahirap, oo pero dahil dito marami kang mapapatunayan sa sarili mo, sa relasyon niyong dalawa.

Dahil sa LDR,

1. Matututo kayong magtiwala sa bawat isa. Na kahit ano mang mangyari, ang tiwala niyo ay hindi basta basta masisira.

2. Malalaman niyo ang kahalagahan ng bawat isa. Na dahil sa sobrang layo niyo sa isa’t isa ay mararamdaman niyong mahalaga ang bawat isa sa inyo.

3. Malalaman niyo na hindi lang basta isang laro itong pinasok niyo. Matututo kayong magseryoso sa mga bagay bagay na mayroon kayo. Na hindi na kayo bata para sa mga walang kwentang pagtatalo.

4. Matututo kayong maging mature. Pagiging mature lalo na sa pagdedesisyon. Magiging mas malawak ang pag-iisip niyong dalawa.

5. Matututo kang maging mas malakas. Na kahit alam mong malayo siya sa tabi mo ay lagi siyang nandyan para sayo. Na kahit ano mang mangyari, ikaw ang lakas niya at siya ang lakas mo para magpatuloy lang sa buhay.

Nasa tao pa rin naman yan kung paano siya maghawak ng isang relasyon. Kahit gaano man kayo kalayo sa bawat isa, nandyan pa rin at hindi mawawala ang tiwala. Na hindi lang basta love ang bumubuo sa inyo. Marami pang aspeto gaya ng respeto sa bawat isa, time, understanding, faithfulness at pagiging loyal.

Posted: July 22, 2014
Currently With 66 notes
Personal - Top Blogs Philippines Humor - Top Blogs Philippines Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines